My sisters have a big bag, as in malaking bag ng tagalog pocketbooks. Take note, they're 19, 22 and 24 years old. At hindi ko maintindihan kung bakit atat na atat silang bumili at magbasa no'n. Well, at last, naisipan kong magbasa ng isa. Just one. For the sake of maka-bonding my sisters. At nagulat ako dahil maganda 'yong story. PHR yata 'yon. Saludo ako sa writer. Tapos basa uli ako. My Valentines. Ok din. At nasabi ko sa sarili ko, hindi naman ganoon kabaduy ah. May sense naman.
The next days, basa uli ako. This time, nabadtrip ako! Ang korni! Masyadong exaggerated. Napakayaman ng mga bida. Sobrang ganda no'ng girl at sobrang gwapo no'ng guy. Yuck! Hindi na siya makatotohanan. Escapism?
Pardon me, but escapism is a brutal term. Hindi ito maganda.
What i'm trying to say here..?
Bugbugin n'yo ako kung gusto n'yo pero 'di ko mapigilang sabihing, that Tagalog Romance Pocketbooks ay basura... Wait... I'm not saying lahat. Hindi ko lang talaga mapigilan na manlumo sa well, kababawan ng mga stories. Mediocrity?
Isa pang nakakabadtrip is the happy ending blah blah.. Well, understandable naman na may tema ang bawat publications eh. Pero bakit hindi natin i-explore ang tunay na mundo? Bakit hindi tayo humugot ng tunay na emosyon? Nagiging stagnant tayo sa success story blah blah. Hindi naman natin dini-discourage ang mga readers kung sakaling hindi magkatuluyan ang mga bida sa huli. Minumulat lang sila sa posibilidad. Nagiging predictable ang mga stories dahil sa happy ending mediocrity eh.
Kung i-explore natin ang ibang anggulo, baka mabuhay pa ang industriya ng Tagalog Romance pocketbook...
Para sa akin, hindi kailanman naging baduy ang pagbabasa ng Tagalog Romance pocketbooks. Ang baduy, ang writer mismo. Stagnant. Baduy. Predictable. Baduy.
Teka, susulat pa ako ng kabaduyan. Hope may tatanggap na publication.
Goodnight.
No comments:
Post a Comment