Thursday, June 11, 2009

I'm losing it... I want to die.

Nobody cares...
I hate myself...
I hate my life...
It's better to die.

God's a fucking liar! Said he loves me but what's happening? I tried to be a better man but he seems unmoved to my prayers.

Why does my family hates me? Why I can't find another job when I have tried everything? Trials? For what? To measure my faith? Damn it. Selfish God! Fuck fate! I don't know what he's up to. To let everybody knows he's the greatest? Huh.

I decline my faith now. I will not believe anymore that he does exist. God's a myth. Period.

I will never be good like my sisters.

I will always be my fucking father's image.

I will always be the loser. The idiot.

Fuck fate. Fuck faith.

Farewell world. I'll take that one forbidden slash.

Sunday, June 7, 2009

Raindrops on my Head... Umuulan na Naman

Walang magawa. Bato ang utak ko. Kasinglamig ng mga tumutulong butil ng ulan.

Buhos na buhos sa tigang na lupa. At ang langgam ay basang-basa. Ngayon lang ako nakakita ng langgam na huli sa balita. Parang PAG-ASA.

Umuulan na naman. Kaya kumot lang ang kapiling ko. Pero ang lamig ay kay init sa kaluluwa.

Gusto kong bumangon at simulan ang pagluluto ng aking specialty. Ang walang katulad na peanut butter. Pero umuulan, kaya wala. Walang magawa.

Butas ang bubong.

Prelude to Philippine Independence Celebration PILIPINAS: sa kuko ng bubble gum...

Wag ka nang magtanong kung may kuko nga ang bubble gum o wala. Di ko rin alam.

Gabi na at dapat tulog na ako sa ganitong oras. Pero 'di ko alam kung bakit. Binabagabag ako ng isang... Actually wala naman. Grabe lang ang buhos ng ulan. Gusto ko lang na gising ako.

Malapit na nga pala ang araw ng kalokohan este kalayaan.

Pero sigurado ba talaga tayong naging malaya tayo nung araw na 'yon? Baka naman ginago lang tayo ng mga kano at kunwari ay iniligtas tayo sa pagiging alipin pero ang totoo ay may nangyaring...

Napakakulay pala talaga ng ating kasaysayan. At walang kasing tamis ang maging malaya. Parang bubble gum.

But are we really free?

Para sa akin hindi. Tingnan mo ang kawalanghiyaan ng kasalukuyang administrasyon, di ba parang bumalik ang marshall law? At parang lumala pa.

Nauna pa ang 2nd coming ni Taning kaysa sa kay Jes..

Pilipinas, kahit pangalan mo ay nagpapaalala na minsan kang naging alila ng mga putrags na mga kastila.

Minsan ka nang binuwisan ng buhay ni Rizal. Ipinagtanggol ka ni Bonifacio. Lumaban para sa'yo sina Diego at Gabriela. Nakalimutan mo na ba?

Nagbuwis ng buhay si Ninoy para lang muli ka sanang ibangon mula sa kasuwapangan nina Imelda at Ferds. Nakibaka para sa'yo ang dekada otsenta. Pero ano'ng ginawa mo? Di ka pa rin natuto.

Mulat mo mata mo Pilipinas.

Malapit na ang araw ng kalayaan. Bakit 'di mo 'to muling ipaglaban?

Simulan mo sa sarili mo.
Papalubog na ang barko, 'wag mo nang dagdagan ang bigat na dala nito.

Walang mangyayari kung puro ka lang salita. Panahon na para gumawa.

Para naman makatikim tayo ng mas matamis na bubble gum.

Saturday, June 6, 2009

DOTA VIDEOGAME: isang putragis na alaala

Malamya ang umaga ko. Pero mas malamya ang buhay ng langgam na kumagat sa paa ko. Sabi niya malaki problema niya. Sabi ko "ako bahala sa'yo." Syempre tinulungan ko siya sa problema niya. Kaya ayon, no problem na. Di na niya maramdaman ang bigat ng dinadala niya. Rest and peace 'ika nga.

Pero walang kinalaman doon ang title ng blog entry sa taas.

Heto 'yon...

I don't know what's the fuss with Dota- ya! The game that... Putragis naubos na naman english ko! Basta 'yong video game na kinalolokohan ng mga kabataan ngayon. Na lumampaso sa kasikatan ng counter strike.

Di ko lubos maisip kung bakit nahuhumaling sila sa larong 'yon (actually, understandable naman 'yon dahil ako nahuhumaling din sa NBA Live. Gusto ko lang kumontra. Adik!) at babad sila ng ilang oras sa harap ng computer.

Heto nga. Kanina lang 'to nangyari.

Pumasok ako ng isang computer cafe at syempre, ano naman ang gagawin ko dun kundi ang mag rent ng pc. Naabutan ko ang isang grupo ng kabataang naglalaro ng dota. Ang ingay letse!

"Tol backup backup!" sigaw ng isa.

"T-I-MOH! Dami ko kalaban." sagot ng isa.

Sigawan sila. Daig pa ang Divisoria.

"Botyok time mo na!" sigaw ng tagabantay ng cafe. Tinukoy nitong tapos na ang one-hour rent ni Botyok.

"One hour pa! Natatalo na kami!" sabi ni Botyok. Hindi. Sigaw ni Botyok. Para bang kaya niyang ipanalo. Ano ka X-men?

Ilang oras pa ang lumipas. Siyempre babad din ako sa pag i-internet. Biglang nagsigawan ang mga X-men! Nagulat ako kahit naka headphone.

Tawanan. Kantyawan. Murahan. Kamot sa batok. Murahan. Shit! Sayang. Murahan uli.

Tapos na ang laban. Talo sina Botyok. Uwian na. At syempre magbabayad si Botyok ng renta.

"117 pesos. 9 hours."

"Ano? One hundred--"

"One hundred seventeen nga. Bingi ka ba?"

Syempre kailangan magbayad ni Botyok. Pero singkwenta lang datung niya. Utang muna. Close naman sila ng tagabantay eh.

Ako? Maglalaro pa ng NBA Live.

Oh ano, may nakuha kayong aral? Wala syempre. Busy sa DOTA.

Gising na pala ako?

Di ko man lang naramadaman na nakatulog ako.

Pagmulat ko ng mata, wala akong maramdaman kundi hungkag na mundo.

Namimiss kita.

Tagal din tayong di nagkita. Paano mo mararamdaman ang pagmamahal ko kung pagitan natin ay buong mundo?

Hanggang dito na lang muna. Magkakape lang ako. Para kahit papaano ay magising ako.