Malamya ang umaga ko. Pero mas malamya ang buhay ng langgam na kumagat sa paa ko. Sabi niya malaki problema niya. Sabi ko "ako bahala sa'yo." Syempre tinulungan ko siya sa problema niya. Kaya ayon, no problem na. Di na niya maramdaman ang bigat ng dinadala niya. Rest and peace 'ika nga.
Pero walang kinalaman doon ang title ng blog entry sa taas.
Heto 'yon...
I don't know what's the fuss with Dota- ya! The game that... Putragis naubos na naman english ko! Basta 'yong video game na kinalolokohan ng mga kabataan ngayon. Na lumampaso sa kasikatan ng counter strike.
Di ko lubos maisip kung bakit nahuhumaling sila sa larong 'yon (actually, understandable naman 'yon dahil ako nahuhumaling din sa NBA Live. Gusto ko lang kumontra. Adik!) at babad sila ng ilang oras sa harap ng computer.
Heto nga. Kanina lang 'to nangyari.
Pumasok ako ng isang computer cafe at syempre, ano naman ang gagawin ko dun kundi ang mag rent ng pc. Naabutan ko ang isang grupo ng kabataang naglalaro ng dota. Ang ingay letse!
"Tol backup backup!" sigaw ng isa.
"T-I-MOH! Dami ko kalaban." sagot ng isa.
Sigawan sila. Daig pa ang Divisoria.
"Botyok time mo na!" sigaw ng tagabantay ng cafe. Tinukoy nitong tapos na ang one-hour rent ni Botyok.
"One hour pa! Natatalo na kami!" sabi ni Botyok. Hindi. Sigaw ni Botyok. Para bang kaya niyang ipanalo. Ano ka X-men?
Ilang oras pa ang lumipas. Siyempre babad din ako sa pag i-internet. Biglang nagsigawan ang mga X-men! Nagulat ako kahit naka headphone.
Tawanan. Kantyawan. Murahan. Kamot sa batok. Murahan. Shit! Sayang. Murahan uli.
Tapos na ang laban. Talo sina Botyok. Uwian na. At syempre magbabayad si Botyok ng renta.
"117 pesos. 9 hours."
"Ano? One hundred--"
"One hundred seventeen nga. Bingi ka ba?"
Syempre kailangan magbayad ni Botyok. Pero singkwenta lang datung niya. Utang muna. Close naman sila ng tagabantay eh.
Ako? Maglalaro pa ng NBA Live.
Oh ano, may nakuha kayong aral? Wala syempre. Busy sa DOTA.