Sunday, June 7, 2009

Raindrops on my Head... Umuulan na Naman

Walang magawa. Bato ang utak ko. Kasinglamig ng mga tumutulong butil ng ulan.

Buhos na buhos sa tigang na lupa. At ang langgam ay basang-basa. Ngayon lang ako nakakita ng langgam na huli sa balita. Parang PAG-ASA.

Umuulan na naman. Kaya kumot lang ang kapiling ko. Pero ang lamig ay kay init sa kaluluwa.

Gusto kong bumangon at simulan ang pagluluto ng aking specialty. Ang walang katulad na peanut butter. Pero umuulan, kaya wala. Walang magawa.

Butas ang bubong.

No comments:

Post a Comment